NEWSGMA News

Alex Eala, inilampaso ang kalabang Thai; umabante sa Asian Games QFs

Mabilis na tinapos ni Alex Eala ang kaniyang unang laban sa 2026 Asian Games nang talunin si Patcharin Cheapchandej ng Thailand, 6-1, 6-0, sa kanilang naantalang Round of 16 match nitong Lunes sa Indoor Court C ng Higashiyama Park Tennis Center sa Japan.

Mabilis na tinapos ni Alex Eala ang kaniyang unang laban sa 2026 Asian Games nang talunin si Patcharin Cheapchandej ng Thailand, 6-1, 6-0, sa kanilang naantalang Round of 16 match nitong Lunes sa Indoor Court C ng Higashiyama Park Tennis Center sa Japan.

Dahil sa panalo, umabante si Eala sa quarterfinals ng torneo at makakaharap si Joanna Garland ng Chinese Taipei.

Dapat sanang isasagawa sa Centre Court ang laban nina Eala at Cheapchandej, pero dahil sa masamang panahon, inilipat ito sa mas maliit na court.

Naging mainit naman agad si Eala sa unang set at mabilis na nakalamang sa katunggali, 4-0.

Pero nakabawi si Cheapchandej at na-break si Eala sa ikalimang game matapos magkamali ang Pinay tennis star sa kaniyang forehand.

Tinapos naman ni Cheapchandej ang game gamit din ang isang forehand winner para makapuntos ng isa sa set.

Sa pagpapatuloy ng laban, agad na nanalo sa sumunod na dalawang game si Eala. At sa ikapitong game, napilit niya si Cheapchandej na gumawa ng magkakasunod na errors sa return para tuluyang makuha ng Pinay tennis star ang unang set.

Hindi na nagpabaya si Eala sa second set at nilampaso ang Thai na kalaban, 6-0, para makapasok sa Top 8 at mas mapalapit sa laban para sa medalya.

Napaganda rin ni Eala ang kaniyang head-to-head record kontra kay Cheapchandej, na tinalo rin niya noong Round of 16 ng kaniyang championship run sa ITF W25 Chiang Rai noong 2022. — Bea Micaller/FRJ GMA News

Comments

Y
Loading...